August 1, 2010

Promdi in the city

Matagal na panahon din ang hinintay ko bago ko napagdesisyonang maghanap ng trabaho in the big city. Sa loob kasi ng maraming panahon, mas ginusto ko ang mamuhay nang payak at tahimik sa aming bayan, sa piling ng aking mga magulang. Mas pinili kong maghanap ng trabaho sa isang lungsod na isa’t kalahating oras lang ang layo sa amin nang sa ganun ay nakakauwi ako tuwing weekend.

Maayos naman ang naging buhay ko doon. Naging editor ako ng isang regional newspaper, at naging writer-slash-segment producer sa regional entertainment group ng isang higanteng network. Natutustusan ko ang mga basic needs ko, nabibili ang mga gusto ko, nakakakain ng mga paborito kong pagkain sa mga paborito kong mga restoran, nakaka-party kasama ang mga kaibigan ko, nasusunod ang mga di-naman-kabonggahang luho, et cetera.

Higit sa lahat, hawak ko ang oras ko sa mga panahong yun. Ako ang may kontrol at dumidikta sa takbo ng buhay ko. May mga deadline din akong sinusunod, pero depende pa rin yun sa pacing ko. Ang importante, maisara ko ang issue ng newspaper, masulat ko ang mga scripts ng show, at ma-idirek ang taping ng mga spiels at segments. Masasabi kong kuntento na at masaya ako sa takbo ng buhay ko noon.

After five years sa dyaryo at three years naman sa TV, naisipan kong maghanap ng bagong trabaho. Na-explore ko na kasi ang lahat ng areas ng trabaho ko -- na -master ko na ang pag-edit ng dyaryo at pagpo-prodyus ng show. Gusto ko naman ng bagong challenge. Gusto kong mag-grow, ‘ika nga.

Mid-2009, kinausap ko ang nanay ko. I expressed to her my intent to look for a job -- sa gobyerno, preferably. Bilang nanay, nahulaan nya din kung anong klaseng trabaho ang gusto ko.

“Sa Tourism ba gusto mo?” tanong nya.

“Bakit mo nahulaan?” namangha ako.

“Alam ko kasi kung ano ang mga hilig at gusto mo,” sagot nya.

Doon ko na-prove na malakas nga ang intuition ng mga nanay. Dahil na rin siguro sa syam na buwan nila tayong inalagaan sa kanilang mga sinapupunan, at ang pusod natin ay karugtong ng sa kanila.

Isa rin sa mga napag-tripan ko noon ay mag-enroll sa culinary school. Habit ko kasi dati every night ang manood ng cooking shows sa TV -- kagaya ng “Everyday Italian” ni Giada de Laurentiis, “Barefoot Contessa” ni Ina Garten at “Nigella Feasts” ni Nigella Lawson.

May dalawang options kasi ako kung sakali mag-culinary school ako. Una, pwede akong magtrabaho as a chef (kampante naman ako sa cooking genes na namana ko sa nanay ko na kilala sa kanyang mga luto), o di kaya maging isang food writer/blogger/critique. Andaming possibilities, di ba?

Kaya nagtanong na rin ako sa pinsan kong chef kung magkano ang matrikula sa culinary institute nila. Nalula ako sa fees, pero ok lang kasi alam ko na kung papasok ako sa ganung linya, sigurado ako sa suporta ng mga magulang at kapatid ko.   

Si-net ko din na deadline sa sarili ko na by 2010, dapat ma-achieve ko ang mga goals na ito. Di ko na fully maalala ngayon, pero parang ipinagdasal ko din ito na sana gabayan ako sa kung alinman man ang pipiliin kong daan.

Nung dumating na nga sa puntong na-burn out na nga ako sa “monotony” ng buhay ko, biglang binigyan naman ako ni Lord ng bagong pag-asa -- in the form of a job opening sa dream department ko sa isang giant TV network.

Kaya apply na ako.

January 4, 2010, first working day ng taon. I e-mailed my credentials to the Assistant Manager for Corporate Affairs. Ewan ko kung ano na nangyari basta a few days bago ang birthday ko nung February, I got a call from the HR. Ang sabi kukuha na ako ng qualifying exams -- IQ test at psychological test.

Wait ulit ako ng ilang araw bago tinawagan ulit for the second round of the qualifying exams. This time, writing at proofreading skills ko na naman ang ti-nest. Pinasulat ako ng dalawang articles (in English and Filipino, 500-800 words each), at pina-proofread sa akin ang isang article. Dati sisiw lang sa akin ang mga ito, pero nung mga oras na yun, sobrang nahirapan ako, nagka-writer’s block yata ako nun. Na-pressure kasi nga gusto-gusto kong makuha ang job. Sinabayan ko pa yun ng pagsimba at pag-rosaryo araw-araw (which reminds me kailangan ko palang ipagpatuloy ito, for thanksgiving naman sa mga biyayang natanggap ko from Him).

Kineri ko naman. Pasa. Wait ulit, pero hindi na ako sure that time kung pasado ako sa taste nila, kung nakita na nila sa akin ang empleyadong hinahanap nila.

Dininig naman ng langit ang mga panalangin ko kasi two hours matapos ko na-submit ang writing tests ko, tinawagan na ako Assistant Manager for interview. The rest, they say, is history. Ayoko nang mag-elaborate pa, basta natanggap ako sa trabahong ito. Kaya fly na ang promdi to explore the opportunities in the big city.

Marami pang mga kwento ang ilalahad ko. Kasama diyan ang initiation ko sa manic mornings in the Metro, ang kakalokang pakikipagsiksikan sa bus at sa train, ang mga pag-eemote ko tuwing naaalala ko ang nanay at tatay, mga malalapit na kaibigan at ang isang taong naging malaking parte ng buhay ko sa loob ng mahigit apat na taon.

 


 






No comments:

Post a Comment